
Mga taga-Pamplona, sumugod sa game arena
Reality
Sa dami ng nangyayari sa paligid, kailangan natin ng good news at good vibes para i-reset ang ating isip. Dito sa "It's Showtime," happiness overload ang mga eksenang mapapanood. Isang pagbati ang ipinarating ng It's Showtime family sa 21-year-old world tennis champion na si Alex Eala, na gumawa ng kasaysayan sa mundo ng tennis matapos makuha ang kauna-unahang WTA title para sa Pilipinas nang talunin niya si world No. 3 Jessica Pegula ng United States sa 2026 Mubadala DC Open, na ginanap sa Washington D.C. Mula sa isang alamat sa mundo ng sports, isang alamat sa larangan ng P-Pop din ang bumisita. Sinimulan ng P-Pop favorite Alamat ang episode with a performance of their track, "Sinigang," na inihain ng grupo specially for you! Bawal ang nega, pero welcome dito si Negi, ang guest co-host of the day, na join sa pakikipagkulitan nina Jhong Hilario at Ogie Alcasid sa Miss Q&A candidates. May pasok, as in pasok sa banga ang wit at pagrampa nina Miss Q&A Cheska Deyn, Leo Castillo, at Angelbert Castill. At pasok sa banga ang mga paandar nila't special skills. Sina Cheska at Angelbert ang umabante sa Round 2, Wit Lang, kung saan sagot nila'y sure na sure, showing grace under pressure. Hindi suspended ang swerte sa Laro Laro Pick game arena. Sumugod s rumaragasang god vibes at papremyo ang Madlang Players mula Pamplona, Las Pinas City. Kapag 'Kim' ang pangalan, maganda talaga ang ngiti n'yan! Dahil sa magaan na awra ni player Kim, isang 21-year-old daddy, nag-enjoy ang hosts na makipagkuwentuhan sa kanya tungkol sa trabaho't pamilya. Enjoy rin ang Madlang People sa libreng 'sine' sa FUNanghalian. Sa Act-Song portion ng You Gotta Lyric round, may horror at comedy, at may kilig hatid ng tambalang DaCKie! #ShowtimePakSayaKa #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment
Watch & download
No streams returned for this episode. Try another season/episode or refresh.