← Movies
It's Showtime
MovieIMDb 02026Philippines

It's Showtime

Reality

Over the moon ang saya sa pagbisita ni “Tawag Ng Tanghalan” pride Carmelle Collado, fresh from her recent Eurovision Asia journey. Napili ang kantang in-interpret ni Carmelle, "Sobra-Sobra," bilang entry ng Pilipinas sa unang Eurovision Song Contest Asia. At siyempre, kumpleto ang September 1 dahil hindi lang basta sumilip kundi live na live ang Chan-ta ng Pinas, Jose Mari Chan. Nagkatotoo ang 'memes' nang personal niyang dalhin ang Christmas feels sa “It’s Showtime.” Wish upon a star, mga kandidata, wit at confidence nila ay on full display. Sina Ringo Antonio, Gina Ganda, at Franco Gray ang nagpakitang-gilas sa “It’s Showtime” today. Ang trip nila, sumabak sa sayawan. May bonus performance pa si Franco, na inilabas ang kanyang action-star moves a la Coco. Pero kung hataw na hataw sila sa dance floor, medyo napaisip naman ang ating queens pagdating sa tanungan sa “Tumpak Ganern.” Ang Wit Lang, naging exciting dahil sa face-off nina Franco at Ringo. Napunta kay Franco ang tanong na, “Bakit pa tinatawag na rush hour kung hindi naman umaandar ang traffic?” Samantala, napaisip si Ringo kung maninigarilyo pa ba ang kapre kahit may hika ito. Habang binibilang ang mga araw bago dumating ang Christmas bonus, sa "It's Showtime" muna makilaro. Malay mo, may naghihintay na aguinaldo. Swerte kaya ay dumating nang big para sa mga taga-Lower Bicutan, Taguig. Kilig ang regalo nina Jackie Gonzaga at Darren Espanto. Si Darren, hindi makatingin nang diretso sa ka-eksena, kaya tumawag ng 'take two' si Vice Ganda. Hirit naman ni Kim Chiu, baka hindi makatingin kasi may "feelings" na?! Ginalingan ni massage therapist Roy sa mga challenges kaya siya ang nakakuha ng spot sa Jackpot Round, kung saan P100,000 ang naghihintay. Para sa anak na nasa autism spectrum, pinili niyang lakasan ang loob at sunggaban ang pagkakataon. #ShowtimeSobraSobra #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

Watch & download

No streams returned for this episode. Try another season/episode or refresh.

It's Showtime | Downexa | Downexa